Isinapubliko ng Department of Health (DOH) nitong Pebrero 2 na bumaba ulit ang naitalang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Dakong 4:00 ng hapon, naitala ng DOH ang bagong 7,661 na kaso ng sakit, mas mababa kumpara sa 9,493 na naitala nitong Pebrero 1.
Dahil dito, aabot na sa 3,577,298 ang kabuuang kaso ng sakit mula nang magkaroon ng pandemya sa bansa, ayon sa ahensya.
Kabuuang 3,362,904 naman ang naiulat na nakarekober sa COVID-19, at 54,097 naman ang namatay.
Kaugnay nito, pinayuhan muli ng DOH ang publiko na sumunod pa rin sa ipinaiiral health at safety protocols upang tuluy-tuloy na ang pagbaba ng bilang ng kaso ng sakit.