Matapos baguhin ang ilang criteria, bukas na ang Miss France sa kababaihang may asawa at anak para rumampa sa presihitusong beauty pageant. Ang tanong, pasok ba ito sa pamantayan ng Miss Universe?

Sa ulat ng pageant page Missosology noong Lunes, nagkaroon na ng ilang pagbabago sa palatuntunin ang Miss France Organization.

Sa susunod na edisyon ng kompetisyon, maaari nang makilahok maging ang may asawa at anak na kandidata.

Dagdag ng Missosology, tinanggal na rin ang age criteria nito kung saan bukas na ang organisasyon sa mga kababaihan sa anumang edad.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

Hindi naman maiwasang magtaka ng pageant community kung ito ba’y tatalima sa patakaran ng Miss Universe organization.

Hindi lingid sa mga fans na tanging mga single women lang ang pinapayagang lumahok sa Miss Universe competition.

Sa isang pahayag pa noon ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz sa telebisyon, nagbibigay pa umano ng pills ang organisasyon sa reigning titleholder nito upang iwasang mabuntis.

Gayunpaman, patuloy ang pagbabago sa progresibong kompetisyon para sa iba’t ibang klase ng kababaihan.

Sa katunayan noong 2018, nakaapak sa Miss Universe stage ang kauna-unahang openly transgender woman na si Angela Ponce mula sa bansang Spain.

Samantala, hati naman ang opinyon ng ilan ukol sa usapin.

“It’s their organization, it’s their rule. Period! You think it’s unfair, you’re against it, then create your own organization with your own set of rules,” komento ng isang pageant fan sa Facebook post ng Missosology.

“In case of married or mother delegating to win Miss France then which delegating to represent their country to join a beauty pageant as most of them dont accept mother or married girl to compete as this is Miss not Mrs,” hinuha ng isa pang follower.

“Define Miss? Inclusivity destroys boundaries. And when boundary is destroyed, all things that has rules and balance will be chaotic.”

"No age bracket yes. But married and a mother is another story... please no. There is a Mrs Universe existing, right?."

“They can change it if they want. The problem is if the international pageant will accept such change.”

“Bad decision there are other pageants for married women, this would risk winner if she is married or a mother from representing France in the big pageants.”

Si Iris Mittenaere ang pinakahuling nakoronahang Miss Universe titleholder mula sa France noong 2016.