Matapos ang 'Squid Game' ay may bago na namang kinahuhumalingan ang mga Netflix viewer dahil sa pinag-uusapang 'All of Us Are Dead' na isang zombie-themed Korean series na talaga namang trending at usap-usapan online.

Ngunit ang nakapagtataka, bakit kaya may halong inis at banas ang karamihan sa mga reaksyon ng viewers nito?

Nangalap ang Balita Online ng iba't ibang reaksyon, komento, at review mula sa viewers na nakapanood na nito at nag-post sa kani-kanilang mga social media.

Para kay Jiro Dela Cruz ng Nueva Ecija, 6.8 over 10 ang rating niya sa naturang Korean series.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

"Lahat talaga tayo mamamatay sa inis."

"Bakit?"

"70% ata ng characters may tanga/lutang moments. Yung tipong isisigaw mo na yung dapat nilang gawin tapos tutulala muna sila ng 15 seconds bago kumilos. Understandable naman yun dahil takot sila pero shuta halos last episode na nadadapa pa rin sila."

"Yung imbis na matakot ka sa zombies, maiinis ka sa mga protagonist kasi puro tanga moments talaga sila. Na g3ng b3ng na ng zombies yung kasama nila nakatulala lang sila na parang nasa music video ni Taylor Swift with matching slow motion na iyak."

"Sa bawat episode, baka sampung beses ka mainis sa kabobohan nila. Andaming characters na super nakaka nis. Basta naiinis ako. Ayoko na mag-explain lalo lang akong naiinis."

Aniya, maganda naman daw ang kuwento, kaya lang, may mga bahagi raw na nakaka-high blood o nakakataas ng presyon ng dugo dahil sa inis o banas.

"Maganda yung kwento, mag-skip na lang kayo sa mga nakakainis na parts at baka ma-highblood kayo. Saka pogi at maganda mga characters hehe. Tsaka maganda rin ang message ng movie dahil madaming issues din ang na-tackle."

Para naman kay 'Raymond' ng Navotas City, 'emotional damage' lang ang nakuha niya sa panonood nito. Baka nga hindi na umano siya manood ng iba pang zombie-themed movies.

"Sa sobrang hooked ko na agad early episodes into the series, ang bigat na sa pakiramdam how suddenly things escalated that tragic. Nag-aaral lang naman sila tapos biglang naging zombie epicenter lol. Kaya buksan na ang virology institute sa Pilipinas lol (yes, napaparanoid na ko kaka-zombie apocalypse ng Korea)."

Kumakat naman sa social media ang pagsusuri sa bawat karakter ng series. Hindi matukoy kung sino ang nagmamay-ari nito dahil ibinahagi na ito ng iba't ibang netizen.

"Habang nanonood ito ang nasa isip ko sa ilang karakter sa ALL OF US ARE DEAD…"

"Detective - repleksyon ng katapatan sa impormasyon. Dahil ang tamang impormasyon ay magle-lead sa tamang solusyon sa kahit na anong umiiral na problema sa kahit anong sektor. Mahalaga ring ma-highlight ang kaniyang paglilingkod sa kahit anong panahon."

"Fire officer - katapatan sa kanyang sinumpaang tungkulin. Pero mapapansin din natin na bilang fire officer dapat siya ay hitik sa kaalaman para sa anumang sitwasyong pwede nilang kaharapin."

"Pulis - pagsaludo sa kapulisan sa series na ito. Lalo't higit sa kanilang leader. Sana all ite0take ang full responsibility sa action na kanyang ginawa. Dapat na lahat ng desisyon ay mula sa mga impormasyong nakalap at dapat na ito ay mabuting pagpapasyang magbebenefit sa bansa."

"Pulitiko - may halong inggit na sana ganoon din ang pulitiko sa atin, sumusunod sa batas, walang palakasan system, walang nilalabag na batas at higit may pagmamahal sa kanyang nasasakupan. Pero syempre pa, hindi sila perpekto kaya ipinakita rin ang pansarili nilang interes sa larangan ng pulitika."

"Atleta - ipinakita ang kanilang dedikasyon sa larangang pinili nila. Ipinarinig sa atin na tulad ng inaasahan ng coach o ng paaralan, pangarap din nilang maging kampeon-manalo. Nasasaktan kapag natalo at huwag ipagduldulan na hindi nila nagawa ang dapat dahil siguradong ibinigay nila ang lahat nila para sa kompetisyon. Huwag mam-pressure sa halip sumuporta."

"Kapatid - Madalas kahit hindi tayo magsabi sa mga kapatid natin, naiintindihan na nila bago ka pa man umiyak o tumawa… At tahimik silang nakikigalak at tumatangis para sa'yo."

"Kaibigan - hindi pinaplano pero nagigising na lang tayo na may mga itinuturing tayong kaibigan. Walang perpektong kaibigan lahat ay may pagkukulang kaya paalala, magmahal."

"Ama - sa lipunang ginagalawan natin sila ang provider, may malakas na karakter, pinal na boses sa tahanan. Sa series, ipinakita ang ama na hindi lamang nagbibigay pinansyal sa pamilya. Siya ang itinuring na pag-asa ng kanyang anak. Siya ang karakter na determinadong tuparin ang ipinangako. Kaya makikitang sa kahit anong pinagdaanan ng kanyang anak, hindi nawala ang pag-asang darating ang kanyang ama. Sana lahat ng ama sa panahong ito ay tulad niya. Hindi lamang masikap, responsable at tapat sa tungkulin, may dala ring pag-asa."

"Ina - alam naman nating lahat na karamihan sa ina ay walang maitutumbas na salita para sa pagmamahal sa kanilang anak. Sa series na ito, dalawang ina ang makikita. Una, ang inang ikinararangal ang kanyang anak kayat kahit ano ay nais niya itong maalala. Sa gitna ng kaguluhan, ang ina ang siyang hahanap sa anak. Walang dudang kung may pandemya, giyera, zombie apocalypse o kahit na ano tatawirin ng ina ang kahit ano makarating lang sa kanyang anak. Ikalawa, inang maaaring magkamali pero sa huli pipiliin pa ring maging ina para sa kanyang anak."

"Vlogger - for the sake of viewers… Isang malaking responsibilidad sa panahon ngayon ang pagiging vlogger sana ang mga papasok sa larangang ito ay responsable sa mga content na kanilang ilalabas."

"President - ang taas ng tingin natin sa lider. Sa pagdedesisyon at pagtugon sa pangangailangan ng grupo. Kaya't hindi nila maipakita ang kanilang kahinaan dahil sa taas ng ekspektasyon mula sa pamilya, kaklase. Madalas din silang mahusgahan. Sa series pinagkatiwalaan nila si Pres kaya naging mas maayos siyang nakatayong lider… Kailangan nating pagkatiwalaan ang pinuno, pero dapat din na may kakayahan ang mapipili natin."

"Pero ibang usapan pag presidente ng bansa, dapat lang talaga na mataas ang ekspektasyon at requirements natin at de kalidad ang serbisyong ating hihingin."

"Ang series na ito ay usaping panlipunan… simula sa bullying hanggang sa desisyon/aksyon ng bawat character. SKL. Haha.. Nagdadalawang isip ako ipost to. Natutuwa ako sa mga karakter bihira kasi akong manood ng series kaya hayaan n'yo na…"

Samantala, narito pa ang ibang mga reaksyon at komento sa social media:

"Hay naku, nakakainis panoorin kasi ang daming mga karakter na ang babagal mag-isip saka magdesisyon. Kailangan sa mga ganoong pagkakataon, decisive dapat."

"How a thriller and horror drama like 'All of us are Dead' about students and zombies, can make you mentally and emotionally cry? A rollercoaster of emotions, indeed."

"Season 2 na sana…"

"'Yun na yung ending? Bakit?!"

Kaya naman sa mga hindi pa nakakapanood, ano pa ang hinihintay ninyo?