Kapansin pansin ang paninigurado ng host ng “Wowowin: Tutok to Win na si Willie Revillame sa kanyang mga televiewers.

Tinitiyak kasi ni Willie na nanonood ang kanyang mga masusuwerteng tinatawagan para magbigay ng gantimpalang pera. 

Sa dami ng kanyang followers sa Youtube, Facebook at Twitter hindi mo aakalaing hindi sila nakasubaybay bukod pa sa namimigay ng pera si Willie kapag mapalad kang natatawagan.            

Ang siste, ilang beses nang nabibisto ni Willie na hindi nanonood ng kanyang show ang kanyang tinatawagan. Sa pamamagitan ng Facebook Page ng show doon sila kumukuha ng matatawagan. 

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

'Yun nga lang everytime tinatanong ni Willie kung saan siya nagsho-show mali ang sinasagot ng kausap niya sa cellphone. Obvious na hindi nga nanonood. Pati nga kulay ng suot na damit ni Willie tinatanong na niya sa kausap sa kabilang linya matiyak lang kung nanonood ang mga ito.

Mayroon pa ngang pagkakataon na kapag may tinawagan ang magaling na host doon pa lang nagbubukas ng kani-kanilang TV o kaya doon pa lang maglilipat ng channel. Ayun bistado, hindi nakatutok at naghihintay lang ng tawag niya.            

Kaya solusyon ni Willie kapag hindi ka nakatutok hindi buo ang ibibigay na pera pero kapag nakatutok ka at talagang nalaman niyang nanonood ka kumpleto ang datung na matatanggap mo. So anong pipiliin mo? Siyempre tutok na! Para havey na havey.           

Samantala, recently nagtampong purorot si Willie sa mga staff ng show niya dahil itong katatapos na holiday season hindi man lang daw siya binati ng mga ito last Christmas kahit sa text. 

Baka bumawi na itong New Year. 'Di bale malapit na ang Valentine’s Day malamang babawi na ulit silang batiin si Willie ng bonggang bongga. Yun na!