Kasunod ng kanyang pasabog na pagrampa sa Paris Fashion Week (PFW) simula nitong nakaraang linggo, pinagkaguluhan naman ng kanyang masugid na followers ang suot niyang luxury eyewear dahilan para agad itong maubos sa ilang nangungunang fashion stores sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

IN PHOTOS: Heart Evangelista, pasabog ang awrahan sa Paris Fashion Week 2022 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hindi matatawaran ang impluwensya ni Kapuso actress at fashion vlogger Heart Evangelista sa mundo ng fashion industry sa milyon-milyong followers nito sa social media. Sa Instagram pa lang, halos 10 milyon na ang tagasunod ng fashion darling ng Pilipinas.

Kasunod ng kanyang trending awrahan sa naganap na PFW, ang aktres lang naman ang dahilan para maubos ang stock ng produkto ng isang kilalang brand dahil approved ito ng kanyang fashion taste.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Suot ang kanyang black and white custom na gawa ni Mark Bumgarner, agaw-pansin ang aktres sa Haute Couture Week 2022 nitong nakaraang linggo. Dagdag extra chic ang dating ng fashion queen sa kanyang pair of sunglasses na kalauna'y pinagkaguluhan ng online world.

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Matapos tadtarin ng mensahe sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Heart sa kanyang Instagram story na ang naturang eyewear ay produkto ng luxury brand na Yves Saint Laurent (YSL). Dahil dito, agad na naubos ang stock nito sa ilang online stores sa ilang bahagi ng mundo kabilang sa Canada, Australia, Dubai, Paris at ilang parte ng Amerika.

Screengrab mula Instagram ni Heart Evangelista/Immae Lachina

Sa series ng Instagram story ni Heart makikita ang ilang screenshot ng mga dismayadong followers na hindi na umabot sa cut. Ang YSL shades o tinawag ding “New Wave SL 276” ay tinatayang nasa P19,000 ang preso sa mga nangungunang fashion brands.

Nitong Lunes, Enero 31, sa isang Instagram post, maging si Heart ay nasorpresa rin na mabilis na na-sell out ang nasabing eyewear.

New Wave SL 276 (Larawan mula Instagram account ni Heart Evangelista)

“I was surprised to know that these@yslsunnies are now sold out because a lot of you already copped it in just a flash! You never really fail to amaze me, my loves ?,” mababasa sa caption ni Heart tampok ang trending shades.

Maging ang broadcast journalist na si Karen Davila ay hindi rin umabot sa bilis ma-sell out ng produkto.

“Hay nako! Sold out dahil sa yo! ? I tried to buy haha@iamhearte,” komento ni Karen sa post ni Heart.

Kasalukuyang nasa Paris, France si Heart para sa taunang PFW. Trending ang aktres sa awrahan nito suot ang mga kilalang fashion ensemble kagaya ng Louis Vuition, Dior, Balmain, Fendi bukod sa iba pa.