Nasa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng anti-narcotics authority kasunod ng pagkakaaresto sa isang hinihinalang tulak ng droga sa isang buy-bust operation sa Mabalacat, Pampanga.

Sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na si Dennis Balaba, 45, ay nakuwelyuhan sa isang buy-bust operation matapos ang ilang buwang surveillance at impormasyon mula sa kanilang mga asset.

Sa drug bust, nasamsam kay Balaba ang limang piraso ng knot-tied transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 500 gramo ng shabu at marked money na ginamit ng undercover agent para sa transportasyon.

Nahaharap si Balaba sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165, ayon sa PDEA.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang entrapment operation ay isinagawa ng magkasanib na operatiba ng PDEA Pampanga at lokal na pulisya. 

Chito A. Chavez