TACLOBAN CITY – Nananatiling matatag ang suporta ng power couple na sina Leyte 4th District Rep. Lucy Torres-Gomez at Ormoc Mayor Richard “Goma” Gomez para sa presidential bid ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ibinahagi ni Rep. Gomez, na kamakailang nakatanggap ng sari-saring reaksyon mula sa netizens matapos humingi ng tulong sa Diyos bilang suporta sa isang matagal nang kaibigan, na si Marcos ang pinakapinupukol sa ngayon dahil siya ang pinakasikat sa mga kandidato.

Sa isang lunch meeting sa Maynila kasama si Marcos, Jr. nitong Lunes, Enero 31, iginiit ni Mayor Gomez na matagal nang tumutulong sa kanilang lugar ang anak ng yumaong dating pangulo.

“He has always been helping Ormoc in difficult times. During Yolanda, ‘Odette,’ 2017 earthquake, etc.,” pagbabahagi ni Goma.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Dagdag pa niya, sa mga presidential contenders, siya lang ang nakatulong sa Ormoc sa iba't ibang paraan.

Noong 2016, sinuportahan din ng mag-asawa si BBM sa kanyang vice-president bid.

Maria Tonette Marticio