Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-presyo sa produktong petrolyo sa Pebrero 1.

Dakong 6:00 ng umaga, ipatutupad ng Pilipinas Shell ang₱0.75 na patong sa kada litro ng gasolina at diesel at₱0.45 naman ang idadagdag sa kada litro ng kerosene.

Kahalintulad na hakbang din ang ipatutupad ng Cleanfuel.

Resulta umano ito ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

National

Alice Guo, ililipat sa Pasig City jail kaugnay ng kasong qualified trafficking

Ito na ang ikalimang sunod na linggong dagdag-presyo sa produktong petrolyo.

Bella Gamotea