Maglulunsad ang Philippine Postal Corporation (Post Office) ngayong Lunes, Enero 4, ganap na alas-4:00 ng hapon, ng makukulay na commemorative "Year of the Tiger" stamps bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Chinese New Year 2022, sa Seascape Village, Pasay City.

“We wish the Chinese community peace, prosperity and love,” ayon kay Postmaster General Norman Fulgencio.

“This event will also give us an opportunity to both Chinese-Filipinos and Filipinos in the country to enjoy and appreciate this celebration in a simple ceremony. I understand that some of the festivities in Manila were postponed for the second time this year due to the threat of the coronavirus,” aniya pa.

Nabatid na ang mga stamps, souvenir sheets at official first day covers ng “New Year 2022: Year of the Tiger Stamps” ay magiging available simula Enero 31 sa Philatelic Counter, Manila Central Post Office sa Liwasang Bonifacio.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang mga nais bumili nito ay maaari ring magtungo sa Seascape Village sa mismong launching ceremony nito.

Para sa karagdagang katanungan hinggil sa stamp, maaring tumawag sa (02) 8527-0108 o (02) 8527-0132 at sundan at i-like ang Facebook page nahttps://www.facebook.com/PilipinasPhilately/para sa updates.

Ang Chinese Lunar New Year ay nakatakdang ipagdiwang sa Pebrero 1, hindi lang sa Asya kundi sa buong mundo.

Isa ito sa pinakamahalagang holiday ng taon sa maraming Asian communities sa buong mundo, lalo na sa mga Chinese, Korean, Vietnamese, Tibetan, Mongolian, Malaysian at Filipino heritage.

Mary Ann Santiago