Mahigit 13,000 passport appointment slots para sa mga overseas Filipino worker ang hindi nagamit noong Enero 2022, inihayag ng isang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ibinunyag ni Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay na sa 13,650 passport appointment slots na nakalaan para sa land-based overseas Filipino workers (OFWs) at seafarers, 4.5 percent lamang o 614 slots ang nagamit.

“Nakakahinayang,” ani Dulay sa isang Twitter post noong Biyernes, Enero 28,

Ipinaliwanag ng undersecretary na ginawa nilang available ang mahigit 13,000 appointment slots“due to the clamor of licensed recruitment agencies and manning agencies” para sa kanilang land-based at seafarer OFWs.

Eleksyon

Vic Rodriguez, pamumunuan ang 'tunay na oposisyon' sa senado

Ito ay sa gitna ng matagal na paghihirap ng mga aplikante ng pasaporte na hindi makapag-book ng appointment sa DFA online.

Gayunpaman, sinabi ng DFA sa publiko na unti-unti itong maglo-load ng appointment slots para sa aplikasyon ng pasaporte araw-araw simula ngayong taon.

DFA-OCA (Office of the Consular Affairs) will gradually load appointment slots on a daily basis in the upcoming weeks. There is no exact time when the slots will be opened to avoid overloading the system,” sabi ng DFA.

Samantala, nanawagan din si Dulay sa mga aplikante na kunin ang kanilang mga pasaporte dahil higit sa 3,500 mga aplikante ang hindi pa nakakakuha ng kanilang mga pasaporte na naproseso sa siyam na pansamantalang off-site passport services noong nakaraang taon.

“We’re looking for 3,537 applicants who have undeliverable passports!” sabi ni Dulay.

Ang mga hindi na-claim na pasaporte ay naproseso mula Hulyo 7 hanggang Disyembre 29 noong nakaraang taon sa Metro Manila at Pampanga.

Betheena Unite