Sa patuloy na paglaban ng bansa sa COVID-19 at variants nito kaya pinaka prayoridad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kalusugan ng kanyang mga tauhan sa pamamagitan ng pagbabakuna at pagpapaturok ng booster shots.
Kinumpirma ni NCRPO chief Major General Vicente Danao Jr. na nasa 99.96% ng kanyang mga tauhan o katumbas ng 23,251 buhat sa 23,623 ay pawang bakunado na.
Ibig sabihin nito na ang Metro Cops ay protektado habang gumaganap ng kanilang mga tungkulin at pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan.
Sa kabilang banda,nakatuon ngayon ang atensiyon ng NCRPO sa pagbibigay ng booster shots sa kanilang mga tauhan at hinikayat ang mga ito na kumuha o samantalahin ang alok na booster shots ng kanilang lokal na pamahalaan.
"A COVID booster shot is a dose of a vaccine given after the original shots to boost the protection it provides. The booster helps people maintain strong protection from severe coronavirus disease," ayon sa NCRPO.
Nitong Enero 29, aabot na sa kabuuang 54.13% na police officers ang nakatanggap ng kanilang booster mula sa PNP at sa LGUs.
Ang natitirang 45.80% ay nakalinya sa pagkuha ng kanilang bakuna upang mabigyan sila ng bumalik muli ang kanilang proteksyon laban sa bagong Omicron variant at anumang posible pang lumitaw n variant.
"We are in the frontline of this battle. Ang mga kapulisan natin ay araw araw nakaharap sa mga tao upang magbigay serbisyo. Kaya naman sinisigurado natin na sila ay ligtas, protektado at walang sakit, Makakaasa ang ating mga kababayan na isang malakas at protektadong pulis ang kanilang makakaharap na maaaari nilang lapitan at pagkatiwalaan," sabi ni Danao.
Bella Gamotea