Ikinagulat ng madlang pipol ang pagbubunyag nina Rock Popstar Royalty Yeng Constantino at 'It's Showtime' host Ryan Bang na nagkaroon pa sila ng halos 'romantic ties' dahil sa segment na 'Tawag ng Tanghalan' kung saan isa sa mga hurado si Yeng.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/29/ryan-bang-busted-kay-yeng-constantino/">https://balita.net.ph/2022/01/29/ryan-bang-busted-kay-yeng-constantino/

Naungkat ang 'past' nang makorner ang isa sa mga contestant tungkol sa takot nitong pumasok sa isang relasyon.

Nang magkomento na si Yeng sa performance ng contestant, dito na niya naibahagi ang kaniyang confession.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Ryan Bang, Vice Ganda, Yeng Constantino, Jed Madela, at Ogie Alcasid (Screengrab mula sa Twitter/It's Showtime)

"Minsan, kahit hindi mo nga naging jowa, eh, basta nagparamdam na sa ‘yo tapos biglang nawala, naku, napakasakit talaga," sey ni Yeng. Maya-maya ay bumalandra ang kaniyang atensyon kay Ryan Bang na noon ay nakatayo sa gong.

"‘Di ba, Ryan?" saad ni Yeng habang tumatawa.

Napukaw naman ang atensyon ng lahat kay Ryan, kaya inuntag ito ni Vice Ganda, na nanay-nanayan ni Ryan.

"Unang crush ko kasi si Yeng. 2010, ‘no, Yeng? Nanligaw ako kay Yeng," pag-amin ni Ryan.

Agad na sumegunda naman si Yeng. Aniya, nagulat na lang siya na tumigil na lang si Ryan na magpadala ng kape sa kaniya. Aminado ang award-winning singer na may asawa na ngayon, na nasaktan siya sa ginawa ng TV host-comedian.

"Syempre ngayon, iba na, may asawa na ako. Pero noong time na ‘yun, kilig na kilig talaga ako sa kaniya," pag-amin ni Yeng.

Sa isang panayam kay Yeng noong 2012, inamin na noon ni Yeng na 'crush' niya si Ryan. Noong 2015 naman ay ikinasal siya sa kaniyang boyfriend na si Yan Asuncion.

Sa puntong ito, ipinaliwanag naman ni Ryan ang kaniyang panig; kung bakit huminto na siya sa panliligaw kay Yeng.

"Tuwing Thursday yata noon sa ‘PBB’ (Pinoy Big Brother), may taping ka, nagpapadala ako ng kape. Tapos nagsimba pa tayo together tuwing Linggo. Bago ko nakilala si Yeng, hindi ako nagsisimba, eh. Akala ko, ayaw mo sa akin. Kasi noong panahon na ‘yun, gumigimik kami, kasama ko sila James Reid. Syempre lumalabas ako tuwing gabi. Inaaya ko siya, ilang beses. Tuwing inaaya ko siya tuwing gabi, hindi siya lumalabas, kaya akala ko ayaw niya sa akin."

Inakala pa nga ni Ryan na ang singer na si Richard Poon ang bet ni Yeng.

"Tapos, sumasama ka kay Richard Poon, ‘yun pala, prayer meeting iyon sa Tagaytay. Akala ko nag-outing kayo. Akala ko, ayaw mo sa akin."

Bagay na sinang-ayunan naman ni Yeng. Si Richard Poon ay kasal na ngayon sa aktres na si Maricar Reyes.

"Sa explanation niya, naiiintindihan ko ngayon. Noong time na ‘yun, hindi talaga ako puma-party," paliwanag naman ni Yeng.

Sa puntong ito ay naganap na ang 'closure' na ilang dekada na rin ang nakalipas simula nang mangyari iyon.

"Yeng, pasensya na. Dapat pala nagpaalam ako, nagtanong ako sa ‘yo. Noong nanligaw ako, galing naman talaga sa puso ko ‘yon. Ikaw ‘yung pinaka unang-unang crush ko sa buong buhay ko, ikaw ‘yun."

Nagpasalamat naman si Yeng kay Ryan.

"Feeling ko, suwerte ng magiging jowa nito kasi napakalambing talaga," ani Yeng.

Ibinahagi naman sa Twitter account ng Showtime ang pagpapatuloy ng kanilang pag-uusap habang may commercial gap. Makikitang nakamasid sa kanila ang dalawang kapwa hurado ni Yeng na sina Jed Madela at Ogie Alcasid, ilang mga staff ng noontime show, at ang mga host na sina Vhong Navarro at Vice Ganda.

Makikitang nagyakap pa ang dalawa at nag-shake hands pa.

"Okay na ako. Syempre may asawa na ako. At least, ito, may closure na tayo," pahayag naman ni Yeng.

Agad na nag-trend sina Yeng at Ryan sa Twitter World. Marami tuloy ang napapatanong kung si Ryan ba ang naging inspirasyon ni Yeng sa mga kantang 'Chinito' at 'B.A.B.A.Y'?

Image
Screengrab mula sa Twitter

Image
Screengrab mula sa Twitter

Image
Screengrab mula sa Twitter

"Ako lang ba yung now ko lang nalaman na nanligaw pala si Ryan bang kay Yeng. So yung Chinito song ni Yeng ay para kay Ryan?"

"Gagi paano yung B.A.B.A.Y song ni Yeng talaga is tungkol kay Ryan Bang and not Chinito? Kasi di naman si Yeng nagsulat ng Chinito…"

"Pero bigla kang nawala, para kang naging bula.. pluk! 'Yun! Nawala.. bigla kang nawala… Sana nagpasabi ka man lang, hindi ganito wala akong alam.”

"Shy in telling the public that her song Chinito was really for Ryan (You can tell by their conversation earlier in Showtime). Now that the revelation has been released. We are pretty sure that B.A.B.A.Y. was really dedicated to Ryan ghosting Yeng. Ughh, TOTGA nga talaga."

"Ang cute naman nito. The untold story of Chinito & B.A.B.A.Y.. Lesson learned: Kapag mahal mo, sabihin mo nang maliwanag. At huwag agad mag-speculate hangga' t wala siyang sinasabi. Be clear with your feelings para hindi ma-TOTGA. So alam n'yo na ha."

"Ate @YengPLUGGEDin pakilinaw ang mga speculation about Chinito at B.A.B.A.Y - pagod na kami magpaliwanag hahahaha."

"Ryan Bang and Yeng’s story is a proof to always shoot your shot and be clear with your feelings. Yes, there’s always a possibility of rejection, yet we’re also gambling on the chance of a lifetime with that person. Love is always worth the risk."

Image
Screengrab mula sa Twitter/Yeng Constantino

Screengrab mula sa YT/Yeng Constantino

Image
Screengrab mula sa YT/Yeng Constantino

Image
Ryan Bang at Yeng Constantino (Larawan mula sa Twitter)

Samantala, wala pang kumpirmasyon mula kay Yeng kung trulalu ba ang mga espekulasyon ng mga netizen hinggil sa Chinito at B.A.B.A.Y songs. Tiyak na mauuntag na naman ito sa mga susunod na araw sa 'It's Showtime'.