Ipinahayag ng showbiz columnist na si Ogie Diaz na marami na naman umanong imbyerna sa kaniya dahil sa makahulugang hugot post na ibinahagi niya patungkol sa pagkakaroon ng jowa.
Noong Enero 27 kasi ay nag-post siya sa Facebook ng isang nabasa umanong post na hugot sa pagkakaroon ng jowa o kasintahan; na sana raw ay hindi sinungaling at nagpapakita sa difficult moments.
Nasusulat sa kaniyang FB post: "Nabasa ko lang…."
"LORD, KUNG MAGKAKAJOWA MAN AKO, ANG HILING KO LANG, NUMBER 1 HINDI SINUNGALING. NUMBER 2, IN THE DIFFICULT MOMENTS, NAGPAPAKITA."
"At natawa ako."
"Ang taba ng utak!"

Bagama't marami sa mga netizen ang sumasang-ayon naman sa kaniyang mga sinabi, may mga basher naman na nagsabing may pinariringgan daw na kandidato si Ogie.
Nagkomento rin dito ang 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza na malait kay Ogie.
"Kumpare, si BBM ay hindi naman kasi talaga boyfriend material in the first place."
"Boy"
"Best"
"Mriend"

"Andami ko na namang nega fans, hehehe," sey naman ni Ogie sa isa pang FB post kalakip ang art card ng kaniyang naunang pahayag, na ginawa ng isang news outlet.
"Nilalait na buong pagkatao ko. Pati nananahimik kong ilong, inokray nila. It’s okay. Basta hindi ilong ni Pinocchio 'yan.
Saan ba sila nabuwisit? Sa itsura ko o sa statement ko?"
"Di ba kahit sino naman, 'yan ang pangarap na maging dyowa? Mali ba yung statement?"

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen:
"Lord kung magkakajowa man ako, ang hiling ko lang, number 1 hindi nagsisimula ang pangalan sa Ogie. Number 2, hindi nagtatapos ang pangalan sa Diaz."
"Ganyan talaga pag sikat, kaya tawanan mo na lang. Di ba nila alam na yang ilong na 'yan ang swerte sa negosyo mo? Baka pati sa ilong mo eh pinagkaka-inggitan pa?!!Hehehe."
"Kung magkakajowa man kayo piliin n'yo yung 1. Hindi nagtatrabaho ng 18 hrs-walang oras sa inyo 'yan 2. Hindi epal in the difficult moments."
"In fairness tama naman Mama Ogs, dapat ganun talaga, it applies kase in many ways. Tapos ang sinungaling ay kapatid pa ng magnanakaw kaya no no talaga sa sinungaling."
"Lord, kung magkakajowa man ako, wag sana yung ganyang mukha, na may malaking ilong."
"Kuya Ogie Diaz hayaan mo na 'yong mga mapanlait ng ilong, tatanda at babagsak din ilong nila nasabi ko ito kasi may namintas din sa akin ganyan ha ha kasalanan ba natin he he? Deadma inggit lang."
Batay sa kaniyang mga social media post, hayag naman sa publiko ang pagsuporta ng showbiz columnist kay presidential candidate Vice President Leni Robredo, at pagbatikos naman kay dating senador Bongbong Marcos.