Isang full-size na luxury sport utility vehicle (SUV) ang dagdag sa ari-arian ng "Unkabogable Star" na si Vice Ganda. Low-key pang binanggit nito ang brand ng bagong “caru” na ilang milyon lang naman ang halaga!

Tampok sa pinakabagong Youtube episode ng “It’s Showtime” host ang panibagong sasakyan nito. Sa kanyang pagbabahagi kasama ang boyfriend na si Ion, ilang pagkakataon na nang makaranas siya ng aberya sa tatlo niyang lumang sasakyan kaya’t napagpasyahan nitong bumili na ng bago.

“Parang minamalas-malas ako sa sasakyan so sabi ko baka it’s time na ma-dispose yung lumang sasakyan since ngarag naman na siya,” sabi ni Vice sa ibinahaging Youtube vlog noong Miyerkules, Enero 26.

Pinasilip ni Vice sa kanyang masugid na followers ang magarang interior ng bagong sasakyan nang ihatid ito sa kanyang bahay. Ilang tests din ang ginawa sa ilang basic features ng sasakyan ang sinubukan ng Unkabogable star.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Kasi kailangan na natin magpalit no kuya?" sabi ni Vice sa kanyang drayber.

"Sunod-sunod [na] parang ngarag sasakyan natin. ‘Yung isa nawalan ng preno, ‘yung isa de-pukpok yung aircon sa taas,” ani Vice.

“Kaya kinakailangan na naming bumili ng sasakyan for safe travels,” dagdag ng Kapamilya star.

Samantala, hindi man binanggit ang presyo ng sasakyan, low-key na ibinalandra ni Vice ang tatak nitong “Cadillac Escalade.”

New Car Reveal | VICE GANDA via YouTube

Ayon sa isang US-based car website, ang Cadillac Escalade ay bahagi ng Escalade Luxury ng kompanyang General Motors. Dagdag nito, ang bawat yunit ay nagsisimula sa tumataginting na $76,295 o aabot sa P3.8 milyong presyo.

Ang range-topping Platinum naman na version nito ay tinatayang aabot sa $101.595 o higit P5 milyon.

Larawan mula sa isang US-based car website

Pabiro namang sinabi ni Vice na “ES” ang itatawag nito sa kanyang bagong sasakyan dahil katas ito ng kanyang pagho-host sa programang “Everybody Sing” na nagtapos kamakailan.