Inihayag ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng 18,638 na bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa nitong Biyernes, Enero 28.

Sa pagkakadagdag ng nasabing bilang, umabot na sa 3,511,491 ang kabuuang kaso ng sakit sa Pilipinas.

Sa naturang bilang, nasa 231,658 ang active cases, kabilang ang 7,055 na asymptomatic, 219,811 ang mild, 2,971 ang moderate, 1,509 ang severe, at kritikal naman ang 312.

Kabuuang 3,226,032 naman ang nakarekober sa karamdaman.

National

PISTON at Manibela, may transport strike ulit!

Naitala rin ng ahensya ang 68 na bagong binawian ng buhay kaya umakyat na sa 53,801 ang kabuuan nito.