'Elsa is shakinggg!'

Suot ang itim na one piece, hindi nagpahuli ang Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas na sayawin ang trending data-type="URL" data-id=" challenge na "Toxic" habang nag-iisnow.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

"Tata tumbling sana ko kaso ...... waley hahaha," aniya sa kanyang caption sa TikTok.

Kasalukuyang naninirahan sa Estados Unidos ang aktres kasama ang kanyang asawa na si Gerald Sibayan.

Noong Disyembre 2, ibinahagi ni Ai Ai sa kanyang Instagram ang larawan ng kanilang pagdating sa airport.

Makikita sa larawan ay ang banner ng airport na "Your Journey Begins With Us" at ang selfie ng mag-asawa.

“Parang para sa amin ang caption …. yes NORTH VIRGINIA HERE WE COME .. OUR JOURNEY BEGINS HERE .. thank you dear LORD and mother MARY .. we landed safely .. love you my darling this is it start na ng buhay naten together @gerald_sibayan,” ayon sa caption ng Kapuso star.

Ginamit din niya ang hashtags na“#simplewifey,” “#takingcareofmyhusband,” “#excited,” and “#payapangpamumuhay.”

As of this writing, umabot na sa 123.8k views TikTok video ni Ai Ai habang mayroon naman itong 16.7k likes at 400 comments.