Nagbigay ng mahigit 500 COVID-19 home care kits si Vice President Leni Robredo at inilunsad ang Ayudahan E-Konsulta sa kanyang pagbisita sa Zamboanga City Hall noong Miyerkules, Enero 26.

Pinasalamatan ni Zamboanga mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar si Robredo sa tulong. Malaking tulong daw ito sa anti-COVID campaign ng lungsod.

Pinangunahan ni Robredo ang turnover ng Angat Buhay Weaving Center sa Lamitan City para sa mga Yakan weavers noong Martes ng umaga.

Ang center ay itinayo sa pamamagitan ng Angat Buhay program ng Office of the Vice President kasama ang pamahalaang lungsod ng Lamitan, private contractor C.C. Buencamino Architect at One Meralco Foundation.

Breast Cancer Awareness Month, ginugunita; pambabae lang ba?

Binisita rin ni Robredo ang mga mangingisda sa Barangay Lukboton, Malamawi Island sa Isabela City, Basilan na nakatanggap ng equipment at training mula sa Angat Buhay Project ng Office of the Vice President.

Noong nakaraang Martes, binisita rin ni Robredo ang Tawi Tawi Province na kung saan nagturn-over siya ng antigen test kits at personal protective equipment (PPE) kay Governor Yshmael I. Sali, Vice Governor Michail Ahaja at Bongao mayor Jimuel Que sa Tawi Tawi Provincial Capitol.

Nagtungo rin siya sa Sulu Province na kung saan nagkita sila ni Governor Abdusakur Tan at binisita ang Barangay Pag-asinan sa Hadji Panglima Tahil Municipality na tinulungan ng OVP sa paggawa ng timber footbridge para sa mga residente.