Kilala ang aktor at dating Hashtags member na si Nikko Natividad sa kaniyang mga pilyo at 'naughty' na banat at memes sa social media, bagay na bentang-benta naman sa mga netizen.

Tila may pagka-green kasi ang ilan sa mga posts niya na bentang-benta naman sa mga tagahanga at tagasuporta niya. Sa pangalan pa lamang niya sa Instagram at Twitter na "NikkoDAKS" ay talaga naman mapamukaw-pansin na. Pero mas 'mapangahas' ang kaniyang mga banat sa Twitter. Doon siya nagpapahayag ng kaniyang mga 'kalat.'

May be an image of 1 person and standing
Nikko Natividad (Larawan mula sa FB)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Lagi rin niyang sinasabing 'daks' o talaga namang pinagpala ang kaniyang alaga.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/08/31/ang-kalat-hashtag-nikko-trending-dahil-sa-mga-tweets-at-ig-posts-daks-po-ako-promise/

Noong Oktubre 31, 2021 ay ikinasal si Nikko sa kaniyang fiancee na si Cielo Eusebio sa Nasugbu, Batangas. Kabilang sa mga dumalo sina Ronnie Alonte, Loisa Andalio, at Zeus Collins, Wilbert Ross, Jimboy Martin, Kid Yambao, McCoy de Leon, Barbie Imperial, at Vance Larena.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/03/hashtags-member-nikko-natividad-at-partner-na-si-cielo-ikinasal-na/

Kahit nang ikasal na siya ay patuloy pa rin siya sa mga posts na may himig pagka-naughty. Ngunit hindi lahat ay natutuwa sa kaniyang ginagawa. Isang basher ang tumawag sa kaniya ng 'kolboy'.

"Kadiri 'yan, kolboy 'yan dati pa, pwe," banat ng basher.

At sinagot naman ito ni Nikko: 'Hindi ko po kayo naging customer'.

May be an image of 1 person and text that says 'Vladimir F. Santos Kadiri yan kolboy yan dati pa pwe 12h Like Reply Message Hide Author Nikko Seagal Natividad Vladimir F. Santos hindi ko po kayo naging customer Just now Like Reply Write a reply...'
Screengrab mula sa FB/Nikko Natividad

Sa caption ng kaniyang Facebook post, sinabi ni Nikko na nag-init ang ulo ng kaniyang 'nota' dahil sa sinabi ng basher.

"Lokang 'to!! Pinapainit ulo ng nota ko," aniya.

May isa ring netizen na tumawag sa kaniya ng 'supot' o hindi pa tuli.

"Madam, kahit po supot ako eh, hindi n'yo po ako malalawayan kailanman," sagot niya.

May be a Twitter screenshot of text
Screengrab mula sa FB/Nikko Natividad

Si Nikko Natividad ay unang nakilala matapos tanghaling grand winner sa segment na 'Gandang Lalake' sa It's Showtime. Hindi naglaon, napasama na siya sa tinaguriang 'kilig ambassadors' na grupong Hashtags.