Matapos sagutin ni Presidential aspirant at Senador Panfilo "Ping" Lacson ang pahayag ni Robredo na kulang umano ito sa "on-the-ground" na gawa, may sinabi naman ang senador tungkol sa tanong ni Boy Abunda na "bakit hindi dapat iboto" ang mga katunggali nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/26/ping-lacson-nag-react-kay-robredo-hindi-lang-talaga-ako-ma-epal-tuwing-magbibigay-ng-tulong/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/01/26/ping-lacson-nag-react-kay-robredo-hindi-lang-talaga-ako-ma-epal-tuwing-magbibigay-ng-tulong/

Sa isang tweet nitong Huwebes, Enero 27, sinabi ni Lacson na ang tanong na "Bakit hindi dapat iboto" ay isa umanong "test" sa karakter ng kanyang kinakapanayam.

"True to his form as a seasoned and sharp-witted interviewer, Boy Abunda’s “WHY NOT VOTE FOR…” question is actually a test of his interviewee’s character," aniya.

National

OVP, inanunsyong wala silang budget sa kanilang medical at burial assistance program

https://twitter.com/iampinglacson/status/1486457416531136516

Matatandaang sa panayam ni Lacson sa "The 2022 Presidential One-On-One Interviews with Boy Abunda," na umere noong Enero 24, sinagot din niya ang tanong na "Bakit hindi dapat iboto" ang kanyang mga katunggali sa "political fast talk" segment ng programa.

Nang tanungin kung bakit hindi dapat iboto sina Senador Manny Pacquiao, Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Isko Moreno, at dating Senador Bongbong Marcos, iisa lamang ang sagot ni Lacson: "Kasi tumatakbo akong presidente, Boy." 

"Kasi tumatakbo ako bakit sila dapat ang iboto, kung ako ang tatanungin mo," dagdag pa niya.

Sinagot din ng senador ang tanong kung bakit siya ang dapat na iboto.

"Ako I'll be a bit arrogant, I am the most qualified. I am the most competent. I am the most experienced," ani Lacson.