Isasapubliko na ni Commission on Elections' (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon ang kanyang magiging boto kaugnay ng disqualification cases na isinampa laban kay presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Sa kanyang tweet nitong Huwebes, Enero 27, sinabi ni Guanzon, miyembro ng 1st Division ng Comelec na may hawak ng kaso, anumang oras mula ngayon ay ihahayag niya ang nilalaman ng kanyang boto, kahit hindi pa naisasapinal ang ruling sa usapin

"I will release my separate opinion soon no matter what the ponente does," paniniyak ng opisyal.

Bukod kay Guanzon, miyembro rin ng 1st Division sinaCommissioners Aimee Ferolino at Marlon Casquejo.

National

PISTON at Manibela, may transport strike ulit!

Nakatakdang magretiro si Guanzon sa Pebrero 2 at kung isasapubliko ang desisyon sa kaso pagkatapos ng pagreretiro nito ay hindi na maibibilang ang kanyang boto.