Sinagot ni presidential aspirant Sen. Ping Lacson si Bise Presidente Leni Robredo matapos sabihan nito na kulang ito sa 'on-the-ground' work.

Sa tweet ni Lacson, sinabi nitong hindi siya epal tuwing nagsasagawa ng tulong sa publiko.

"Hindi ako kulang sa ‘on the ground’. Hindi lang talaga ako ma-epal tuwing magbibigay ng tulong sa mga kalamidad man o sa mga indibidwal na tulong," ani Lacson.

National

Hontiveros, umaasang wala nang ‘another Alice Guo’ na tatakbo sa 2025

https://twitter.com/iampinglacson/status/1486312904190488581

Sa naganap na 2022 Presidential One-On-One Interviews with Boy Abunda, sinagot ni Robredo sa segment na "political fast talk" ang tanong ng host kung bakit nga ba hindi dapat iboto ng taumbayan si Lacson.

Sagot ni Robredo, "Maraming salita pero kulang sa on-the-ground na gawa ang dating police general at ngayon ay tumatakbo sa pagka-pangulo.

Bukod kay Lacson, matapang din na sinagot ni Robredo ang tanong kung bakit hindi dapat iboto ng publiko ang tumatakbo tulad nila dating Senador Bongbong Marcos, Sen. Manny Pacquiao, at Manila Mayor Isko Moreno.

Para kay Robredo, sinungaling at hindi mahagilap si Marcos tuwing dumadaan sa krisis ang bansa.

'Hindi klaro ang paninindigan sa maraming bagay' si Moreno para kay Robredo.

Hindi sapat na kabutihang loob lamang ang dapat taglayin ng isang lider ng bansa tulad ni Pacquiao para kay Robredo.