Inirekomenda na ng Senado ang pagsasampa kasong kriminal laban sa mga dating opisyal ng Bureau of Immigration (BI) at iba pang personalidad na umano'y dawit sa tinatawag na "pastillas" bribery scam.

Ayon kay The Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality chairperson Senator Risa Hontiveros, kulang na lamang aniya ang pirma ng mga senador sa kanilang Committee Report No. 131, para sa tuluyang pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot sa panunuhol.

Kabilang sa ikakaso ang graft and corruption o paglabag sa Republic Act No.3019 at posibleng mga paglabag sa anti-trafficking law, plunder at iba pang kasong kriminal.

Aminado ang senador na dalawang taon ang ginugol nila upang maimbestigahan ang ugnayan sa pagitan Chinese-operated Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) industry at ng pagtaas ng kaso ng prostitusyon at human trafficking sa bansa.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

“If they think they can silence this investigation about the pastillas scam, they are wrong. It’s time to launch a complete overhaul at the BI. We are recommending the filing of charges against immigration personnel. We spent two years in this probe because we are resolute to hold those involved accountable for their misdeeds.We have strong evidence—from screenshots to testimonies of our whistleblowers who are also in the BI. We are thankful for their bravery and their cooperation," paliwanag ni Hontiveros.

“Malakas ang ebidensya natin — mula sa napakaraming screenshots hanggang sa testimonya mismo ng ating mga whistleblowers na taga-BI rin. Salamat sa kanilang katapangan at pakikiisa. Ito din ay patunay na hindi lahat sa BI masasama at corrupt; may mabubuting loob na gusto rin baguhin ang mga nakasanayan na,” pagdadahilan nito.

Batay aniya sa ebidensya, bilyun-bilyong piso ang naibuubulsa ng mga sangkot sa sindikato na tumutulong sa mga dumarating na Chinese upang mapabilis ang kanilang pagpasok sa bansa.

Kabilang sa mga isinasangkot sa bribery scheme ang mag-amang sinaMaynardo Mariñas at Marc Red Mariñas, at iba pang kawani ng BI.

Si Marc Red Mariñas ay dating hepe ng Port Operations Division BI habang ang ama nito na si Maynardo ay nangangasiwa saSpecial Operations Communications Unit, na humaharang sa mga visa upon arrival (VUA) applications.

“Kailangang palakasin ang check and balance mechanisms sa loob ng BI. Nang dahil sa mga tiwaling opisyal, buhay at kinabukasan ng mga Pilipino ang nasisira.Bigyan natin ng hustisya ang ating kababaihan at kabataan. Kasuhan ang may anomalya, panagutin ang may sala," sabi pa ng senador.

Hannah Torregoza