Hindi maaaring magtampok ng political personality ang TV Patrol anchor na si Karen Davila sa kanyang Youtube channel. Ito ang kanyang nilinaw ngayong Miyerkules, Enero 26 kasunod ng maraming requests mula sa kanyang masugid na subscribers na maglunsad siya ng sariling presidential interviews.

“I have read all your messages and am getting several requests to feature some of your favorite candidates or do a Presidential interview on the channel,” sabi ni Karen sa kanyang pahayag sa Youtube nitong Miyerules.

Matapos maging bahagi ng flagship news program ng ABS-CBN noong 2021, naging limitado na rin sa mga inspiring stories ang maitatampok ng broadcast journalist sa kanyang channel.

“Having joined TV Patrol last October as one of its news anchors, I am restrained from doing political interviews on my vlog especially during the campaign period. Tama po to,” ani Karen.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

“Kung mapapansin nyo po, huling political personality na nakausap ko ay si Dr. Willie Ong, at inilabas po yon bago po ako sumali sa TV Patrol,” dagdag niya.

Nilinaw niya rin na tanging ang ABS-CBN o ang ANC lang ang dapat maglabas ng hinihiling na content ng kanyang masugid na subscribers.

“I am part of a larger news team. Bahagi po ako ng ABS-CBN News. Lahat po ng may kinalaman sa eleksyon ay karapat-dapat lumabas lamang sa ABS-CBN o sa ANC,” sabi ni Karen.

Gayunpaman, magpapatuloy ang tema ng kanyang vlog na tampok ang mga inspiring story ng ilang kilalang personalidad.

“We will continue to do inspiring life stories on my channel. To God be the glory always.”

Samantala, tatayong isa sa mga moderator si Karen sa Presidential Forum na inorganisa ng pinagsanib-puwersang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), ABS-CBN, TV5, CNN Philippines, DZRH at Bombo Radyo.

Tampok pa rin dito ang limang nangungunang Presidential aspirants sa Pulse Asia survey.

Mapapanuod ang forum sa darating na Pebrero 4, Biyernes, sa iba’t ibang media outlets.