Isa sa mga paksa ng 'Ogie Diaz Showbiz Update' ang umano'y bali-balitang hiwalay na raw ang mag-jowang sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

Napuna kasi ng mga netizen na simula nang pumasok ang 2022, wala pa silang mga litrato na magkasama, at wala rin silang sweet messages sa isa't isa, bagay na madalas nilang ginagawa noon.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/18/barbie-at-diego-wala-pa-ring-sweet-posts-pictures-together-hiwalay-na-nga-ba/

Nagkasama pa sila sa pelikulang 'Dulo' ng Vivamax at nagdiwang pa ng kanilang unang anibersaryo bilang mag-jowa, kahit na binatbat sila ng mga intriga, dulot ng 'pasabog' ng 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Barbie Imperial at Diego Loyzaga (Screengrab mula sa IG)

Sa presscon naman ng bagong pelikula ni Diego, naurirat siya kung bakit hindi niya kasama si Barbie.

"I came here all of a sudden and it wasn't planned. I don't think Barbie has a blue passport. I booked my flight a day before I left."

"Even if she wanted to come here, she couldn't have come here. She needs a visa to come here, I think."

Tanong naman ni Ogie kay Mama Loi, "Bakit may mga I think? Hindi ba sila nag-uusap?"

Bagay na tanong din naman ni Mama Loi.

At dito na nga naispluk ni Ogie ang umano'y naichicka sa kaniya ng source niya.

"Ito lang po ay nasagap natin na yung dalawa raw ay wala na. Totoo ba?"

"Mayroon lang pong nagpadating sa akin na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial, ang kanilang relasyon ay kung saan na napunta. Ang sabi lang sa akin ay waley ba daw? Ang nabalitaan natin ano, dahil nag-away daw itong si Barbie at si Diego tapos ang sabi ay mamili lang daw si Diego kung ‘Itutuloy pa ba natin ito o hiwalay na?’ Eh parang nanalo ata ‘yung hiwalay na," sey pa ni Ogie.

May narinig pa umano silang balita na ang dahilan ng kanilang hiwalayan ay isang Star Magic artist.

Hiling naman ni Ogie, sana raw ay nagpapahinga lamang ang dalawa at wala itong katotohanan.

“Sana sila pa rin pero kung hindi na talaga nila ma-take ang isa’t isa… sana ang ending pa rin ay magkaibigan pa rin sila. After all, may pinagsamahan pa rin naman sila," dagdag pa ni Ogie.

Samantala, nagkomento naman ang aktres na si Teresa Loyzaga sa latest Instagram post ng anak na si Diego, noong Enero 17.

"NY/NJ I fell in love. I'm gonna miss you. It isn’t goodbye, its see you later," caption ni Diego sa mga ibinahaging larawan na overlooking ng siyudad.

"When I see you happy, I am happy too. Love you anak. mum," komento ni Teresa.

Kamakailan lamang ay inintriga ni Xian Gaza si Barbie Imperial kay Daniel Padilla, bagay na sinoplak naman ng mga KathNiel fans. Nagsalita na rin ang kapatid na babae ni Daniel na si Maggie Ford at sinabi niyang magkaibigan sila ni Barbie, at siya ang dahilan kung bakit nasa bahay nila ang Kapamilya actress, na iniisyu naman ni Xian.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/06/kathniel-fans-banas-kay-xian-gaza-may-pasabog-na-naman-na-dawit-si-barbie-imperialp>

Samantala, wala pang kumpirmasyon sina Diego at Barbie tungkol sa isyung ito.