Engaged na si Miss Universe Philippines 2021 2nd Runner-Up Steffi Rose Aberasturi sa kanyang long-time boyfriend na si Karl Arcenas. Bago nito, si Steffi ay isa sa mga “rumored” candidate na inaabangan ng Pinoy pageant fans na muling sasabak sa isang national beauty pageant ngayong taon.

Nitong Linggo, Enero 23, masayang ibinahagi ni Steffi ang kanyang engagement sa pamamagitan ng kaniyang sunod-sunod na Instagram stories.

Sa pagdiriwang ng kaarawan ng boyfriend nitong si Karl, ang beauty queen ang nasurpresa nang hingin nito ang kanyang matamis na “Yes”.

Samantala, ilang pageant fans naman ang nagtatanong ngayon kung tapos na nga sa kanyang pageant pursuit si Steffi. Ito’y kasunod ng maraming haka-haka na isa sa mga comeback queen si Steffi na sasabak sa Miss Universe Philippines 2022 o Binibining Pilipinas 2022.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Habang wala pang opisyal na pahayag ang Cebuana beauty queen, isang malinaw na mensahe naman ang sinabi ni Malayka Yamas, ang national costume designer ni Steffi, sa isang Facebook post kasunod ng engagement ng kanyang alaga.

“No more 2nd time, no more pageantry. Congratulations Karl and Steffi," saad nito kalakip ang ilang heart emojis.

Screengrab mula sa Facebook post ni Malayka Yamas

Matatandaang isa sa mga naging pinakamatunog na kandidata sa Miss Universe 2021 si Steffi Rose Aberaturi. Ang kapwa Cebuana beauty queen na si Beatrice Luigi Gomez ang nakoronahan bilang MUP 2021 na kalauna'y naging Top 5 finisher sa Miss Universe 2021 competition noong Disyembre nakaraang taon.