Naglabas ng anunsyo nitong Lunes, Enero 24, ang Taguig City government na nag-oobliga sa mga menor de edad na magsuot ng face mask at face shield habang sila ay nasa vaccination sites ng lungsod.
"The City of Taguig requires minors to wear face masks and face shields in the City’s vaccination sites," ayon sa Taguig Vaccination Task Force Advisory No. 51.
Inihayag pa ng pamahalaang lokal ng lungsod na inuuna nila ang kaligtasan ng mamamayan at ang mahigpit na implementasyon ng health at safety protocols sa lungsod.
Nagpapatuloy pa rin ang pagbabakuna sa edad 12 hanggang 17-anyos sa mga itinakdang vaccination sites sa Taguig.
Bella Gamotea