Isang one-liner message ang ibinahagi ni Tricia Robredo, pangalawang anak ni Vice President Leni Robredo, nitong Sabado ng gabi, Enero 22.

Hindi lamang ang mga anak ni VP Leni ang sumusuporta sa kanya dahil sa isang tweet ni Tricia, tila may ipinahihiwatig itong may isang tao pang sumusuporta sa bise presidente-- ang kanyang ama.

"May isang taong ngumingiti sa iyo mula sa langit," ani Tricia na may kasamang larawan nina dating DILG Secretary Jesse Robredo at Vice President Leni Robredo. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

https://twitter.com/jpgrobredo/status/1484884417646526465

Matatandaan na pumanaw si Jesse Robredo noong Agosto 18, 2012 dahil sa isang plane crash sa Masbate na patungo sana sa Naga City mula sa Cebu City.

Ang naturang tweet ay ibinahagi ni Tricia matapos umere ang "The Jessica Soho Presidential Interviews" nitong Sabado ng gabi na kung saan kabilang si Presidential aspirant at Vice President Leni Robredo sa mga sumalang sa interview.