Nanindigan si Presidential aspirant at Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso na ang kanyang katapatan ay para sa mga Pilipino.

"Basta ako, ang loyalty ko sa tao," ani Domagoso sa kanyang panayam sa "The Jessica Soho Presidential Interviews" na umere nitong Sabado, Enero 22.

“Ang kapakinabangan ng tao ang mahalaga sa akin hindi kapakinabangan ng pulitiko, kung naging mabuti ka ngayon at tinupad mo ang sinabi mo, sasamahan kita," aniya.

Matatandaan na lumipat ng panig si Domagoso sa pagitan nina dating Manila Mayor Alfredo Lim at Joseph Estrada sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang vice mayor.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Sinabi ni Moreno na makikipagkaisa lamang siya sa mga taong may magandang intensyon sa mga Pilipino.

“At the end of the day, basta kung sino mabuting kandidato, kahit ano pang partido niya, at siya ay mabuting tao, sasamahan namin siya, basta ikabubuti ng tao," anang alkalde.