Matapos iispluk ni Manay Lolit Solis ang chikang nagpa-power trip daw at siya na ang nasusunod sa noontime show na 'It's Showtime' ang isa sa mga main host nitong si Vice Ganda, agad naman itong itinuwid ng bokalista ng bandang Itchyworms at isa sa mga host/kaibigan ni Vice na si Jugs Jugueta.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/22/lolit-pinalagan-ni-jugs-hanap-po-kayo-ng-bago-ninyong-source-na-maritess-tita-masaya-po-kami-sa-showtime-ngayon/">https://balita.net.ph/2022/01/22/lolit-pinalagan-ni-jugs-hanap-po-kayo-ng-bago-ninyong-source-na-maritess-tita-masaya-po-kami-sa-showtime-ngayon/

Sinabihan siya ni Jugs na humanap siya ng ibang source na Marites dahil masayang-masaya umano sila sa Showtime.

"Hanap po kayo ng bago ninyong source na Maritess, Tita… MASAYANG-MASAYA PO KAMI SA SHOWTIME NGAYON!!!! Peace be with you and happy new year!"

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Agad namang tumugon dito si Lolit sa isa pang Instagram post.

Screengrab mula sa IG/Lolit Solis

"Appreciate ko iyon comment ni Jugs sa IG post ko about Vice Ganda, Salve. Sabi niya, hindi totoo ang mga kumakalat na balita na marami ang discontented dahil sa mga nagaganap na power tripping sa Showtime. According kay Jugs happy lahat sila sa Showtime. Well and good. Mabuti naman kung totoo dahil sayang din di ba, medyo matagal narin ang Showtime sayang kung mawawala ito dahil lang may gusto mag power trip," sey ni Lolit.

Bukod sa nanghihinayang siya sa show, nanghihinayang din umano siya kay Vice Ganda kung magiging dahilan umano ito ng pagbagsak ng career nito.

"Lalong sayang kung babagsak si Vice Ganda dahil lang sa pagbabago ng ugali eh bihirang mangyari na nagkaroon ng celebrity na tulad niya na tinanggap ng publiko. Dapat talaga na maging maganda ang samahan nila dahil araw-araw silang magkasama, dapat para na silang magkapatid."

Sa kabilang banda naman, pinuri niya si Jugs sa naging paraan ng pagtutuwid nito sa kaniya. Inamin naman ni Lolit na hindi lahat ng mga nakakarating na impormasyon sa kanila ay totoo. Kung sakaling hindi totoo, puwede naman umano itong ituwid o itama.

"Sana lahat ng celebrity tulad ni Jugs may oras para ituwid iyon nabasa nila, mas appreciate namin iyon. Puwede naman kasi na mali ang information na nakuha namin, at puwede naman itong ituwid. Thank you Jugs for your time. Appreciate much."

Jugs Jugueta at Vice Ganda (Larawan mula sa IG)

Agad din namang tumugon dito si Jugs.

"Thank you po, Tita! Keep safe always!"

Marami rin sa mga netizen ang pumuri sa paraan ng pagtutuwid ni Jugs dahil magalang at walang bahid umano ng kaangasan.