Sinabi ng showbiz columnist na si Lolit Solis na balitang magkakabalikan daw ang dating engaged couple na sina Kris Aquino at Mel Sarmiento, batay sa kaniyang latest Instagram post nitong Enero 23, 2022.

Matatandaang halos wala pang isang linggo nang pumasok ang 2022 ay inanunsyo ni Kris na wala na sila ni Mel, batay sa mga bulung-bulungan ng mga Marites, nang burahin niya ang mga litrato, video, at posts sa kaniyang Instagram na may kinalaman sa ex fiance.

Walang third party sa kanilang relasyon kaya sila naghiwalay; ang siste, inuna ni Mel ang kapakanan ng kalusugan ni Kris na hindi umano puwedeng madapuan ng COVID-19 dahil sa sakit nito. Kung patuloy umano silang magsasama ay may posibilidad na mahawahan ni Mel si Kris kung sakaling carrier pala siya ng virus na hindi niya namamalayan. Batay sa screengrab ng mensahe ni Mel, mukha umanong si Kris ang nagbigay ng mungkahing mas mainam na lamang na maghiwalay na sila, bagay na sinang-ayunan naman niya.

Ayon naman kay Lolit, may mga sign o senyales daw na muling magbabalik sa buhay ni Kris ang kaniyang 'love love love.'

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Kris Aquino at Mel Sarmiento (Larawan mula sa IG/Lolit Solis)

"Balitang baka magkabalikan sina Kris Aquino at Papa Mel Sarmiento Salve. May mga sign daw na baka bumalik si Papa Mel kay Kris dahil talaga daw love nito ang nanay nila Joshua at Bimby. In fairness naman kay Kris talagang pag minahal ka niya all out siya para sa iyo."

"Siguro nga naramdaman ni Papa Mel na sayang kundi bibigyan ng second chance ang kanilang relasyon lalo pa nga at tanggap ng kani-kanilang pamilya ang kanilang love sa isa’t isa. Well, love is lovelier the second time around , kaya sige na Kris at Papa Mel, back na kayo sa isa’t isa, kiss and make up na."

Narito naman ang reaksyon at komento ng mga netizen.

"Ok lang naman bumalik siya kung tatanggapin pa siya ni Kris pero sana bago siya bumalik eh sigurado na siya sa sarili niya na handa siyang damayan si Kris anuman yung pinagdadaanan ng tao na hindi siya mapapagod at susuko na lang basta dahil lang napagod siya sa quarantine."

"Ngeks.. after all what he texted to Kris… parang high school lang? Hahaizt.. immature."

"Sana ngaaa…"

Screengrab mula sa IG/Lolit Solis

Hindi naman binanggit ni Lolit kung sino ang kaniyang reliable source kaya nasabi niya ito.

Samantala, wala pang pahayag o kumpirmasyon mula rito si Kris na nagpapagaling pa sa kaniyang sakit.