Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 29,828 mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Linggo, Enero 23, 2022.

Batay sa case bulletin #680 na inisyu ng DOH, nabatid na sa kabuuan, ang Pilipinas ay mayroon nang 3,417,216 COVID-19 cases.

Sa naturang bilang, 8.0% pa o 273,580 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

Sa mga aktibong kaso naman, 260,399 ang mild cases; 8,371 ang asymptomatic; 3,006 ang moderate cases; 1,496 ang severe cases; at 308 ang critical cases.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala, nakapagtala rin naman ang DOH ng 36,763 bagong gumaling sa sakit.

Sa ngayon, umaabot na sa 3,090,164 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 90.4% ng total cases.

Mayroon pa rin namang 67 na namatay sa karamdaman, sanhi upang makapagtala na ang Pilipinas ng 53,472 total COVID-19 deaths o 1.56% ng total cases.

Mary Ann Santiago