Sinabi ni Vice President Leni Robredo sa kanyang panayam sa "The Jessica Soho Presidential Interviews" na iboboto niya si Senador Manny Pacquiao kung hindi siya kandidato ngayong Eleksyon 2022.

Sinagot ni Robredo ang katanungan na: "Kung hindi ka kandidato, sino ang iboboto mo sa mga tumatakbong presidente?"

"[Iboboto ko si] Manny Pacquiao, kilala ko siya at alam ko na napaka sinsero niyang tao," ani Robredo.

Matatandaan na noong nakaraang taon, sinubukan ni Robredo na bumuo ng united opposition ticket kasama sina Senador Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno, ngunit hindi ito nagtagumpay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20