Inamin ni Presidential aspirant at Senador Manny Pacquiao na lumabag na siya sa batas trapiko.

Sa kanyang panayam sa "The Jessica Soho Presidential Interviews," sinabi niya na minsan ay lumalabag siya sa batas trapiko.

"Hindi ko naman masabi na ni minsan hindi. Minsan po, nagva-violate ako dahil bilang tawag ng aking trabaho ay importante, minsan nagva-violate ako pero ito po ay may dahilan," ani Pacquiao.

Ayon sa senador, marami siyang nagawang mabuti ngunit inamin din niya na may mga ginawa siyang ayaw niyang gawin din ng ibang tao katulad ng pagiging sugarol, lasinggero, at pagiging babaero.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Mayroon po marami po akong nagawang mabuti para makainspire ng iba at 'yong hindi mabuting nagawa ko na hindi po ayaw ko po tularan ng iba 'yong pagiging sugarol ko noon, lasinggero ko noon atsaka 'yong pagiging babaero ko noon," ani Pacquiao.