Inihayag ni Presidential aspirant at Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso na mananatili siyang artista o hindi kaya ay seaman ngayon kung hindi siya nagpasya na pasukin ang mundo ng politika.

“Artista, at kung hindi ako nag artista malamang seaman kasi yun yung pangarap ko, maging kapitan ng barko dati nung bata ako dahil kapag naging kapitan ka ng barko, yayaman ka eh," ani Domagoso sa kanyang panayam sa "The Jessica Soho Presidential Interviews" nitong Sabado, Enero 22.

Nakilala si Moreno dahil sa kanyang sexy roles noong nag-uumpisa pa lamang sa industriya.

Nagsimula ang political career ni Domagoso noong 1998 nang manalo bilang konsehal ng Maynila. 

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists