Inaresto ng pulisya ang isang lalaki matapos umanong mang-agaw ng cellphone sa isang 18-anyos na person with disability (PWD) sa Malanday, Valenzuela City noong Miyerkules, Enero 19.

Kinilala nina Police Senior Master Sgt. Roberto Santillan at Pat. John Ray Dina ng Barangay Malanday Police Sub-Station 6 ang suspek na si Reynaldo Catada, 45.
Ayon sa biktima na si "John," nakatayo lamang siya malapit sa kanyang bahay sa Lingahan St. sa Malanday dakong alas 11 ng gabi nang agawin ni Catada ang kanyang bag na naglalaman ng cellphone.
Sinabi rin ni John na sinubukan niyang lumaban ngunit tinulak siya ng snatcher. Nagtamo siya ng minor injuries.
Agad nireport ni John ang insidente kay Santillan at Dina na nagsasagawa ng "Oplan Galugad" sa lugar.
Ayon sa mga police, agad nahuli si Catada nang habulin ito. Narekober nila ang ninakaw na cellphone at bag mula sa suspek.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Valenzuela City Police Station si Catada at kakasuhan ng pagnanakaw.
Cherrylin Caacbay