Makikita sa Instagram ang ilang preparasyon ng unica hija nina Gretchen Barreto at Tony Boy Cojuanco na si Dominique Cojuanco para sa nalalapit nitong kasal kay Michael “MJ” Hearn, isang matagumpay na multi-business owner.

Hindi na lingid sa publiko ang lalaking bumihag sa puso ng modelo at fashion designer na si Dominique kasunod ng paglitaw ng relasyon nito kay Michael noong taong 2019.

Dominique Cojuangco via Instagram

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Matapos ang dalawang taong pagde-date, hahantong din sa kasalan ang dalawa nang ibahagi ni Dominique ang eleganteng singsing sa kaniyang Instagram noong Oktubre 21.

Dominique Cojuanco via Instagram

Sa ulat ng isang local fashion magazine, taong 2018 nang unang magkrus ang landas ng dalawa sa isang launch ng isang cocktail bar, ang Run Rabbit Run na kalauna’y nagdala sa kanilang estado ng relasyon ngayon.

Hindi man kilala sa mundo ng showbiz, si Michael ay matagumpay na negosyante sa edad na 35.

Michael Hearn via Instagram

Sa katunayan, pinamamahalaan nito ang isang consultancy firm ng kaniyang pamilya, ang Hearn & Hearn Consulting.

Sa kaniyang Instagram, makikita sa kaniyang profile ang nakabalandrang mga business brands nito kabilang ang Clear Ice Company Philippines at Winery PH.

Naiulat ding co-founder at direktor ng One Solution Asia si Michael, isang consultancy firm na nakatoka naman ang mga serbisyo sa ilang bahagi ng Asya.

Bago ang rebelasyon ng engagement, unang naglunsad ng skin care company ang magkasintahan sa brand ng “The Collectives Philippines.”

Sa parehong Instagram nina Dominique at Michael, kapansin-pansin ang kanilang mga larawang magkasama sa mga biyahe sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Dominique Cojuangco via Instagram

Wala pang opisyal na anunsyo kaugnay ng petsa ng kanilang nalalapit na kasal.