Trending sa social media ang pahayag at memes na 'Buti pa lugaw may itlog' matapos umanong tumanggi si presidential candidate Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. sa isasagawang 'The Jessica Soho Presidential Interviews' ngayong Enero 22, 6:00 ng gabi, na mapapanood sa GMA Network.

Matatandaang nag-trending ang '#MarcosDuwag' sa Twitter matapos kumalat ang balitang hindi pagpapaunlak ni BBM sa paanyaya para sa naturang presidential interviews; samantala, kumasa naman dito sina Vice President Leni Robredo, Senador Manny Pacquiao, Senador Ping Lacson, at Manila City Mayor Isko 'Moreno' Domagoso.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/22/kampo-ni-marcos-jr-nagsalita-na-sa-hindi-pagsali-ni-bbm-sa-gma-show-jessica-soho-biased-daw/

Ayon sa paliwanag ng kampo ni BBM sa pamamagitan ng kaniyang spokesperson na si Atty. Victor D. Rodriguez tinawag nilang 'bias' umano ang moderator nitong si Soho, laban sa mga Marcoses.

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

"The reason why Bongbong Marcos decided not to join the Jessica Soho show is founded on our belief that the hostess of said popular talk show is biased against the Marcoses, and therefore, we believe her questions will just focus on negativity about BBM which the UniTeam dislike,” ani Rodriguez.

Kabilang umano si BBM sa mga naanyayahang presidential candidates para sa programa dahil sa pagiging consistent sa poll surveys.

Kaya naman, bumanat naman ang mga tagasuporta ng iba pang presidential candidates, lalo na kay VP Leni, na pinupukol naman ng panlalait bilang 'lugaw'. Ayon sa mga tagasuporta, mas mabuti na raw ang lugaw dahil may 'itlog' ito, kaysa sa kandidatong wala umanong 'bayag' upang harapin ang isang panayam.

"Buti pa lugaw may itlog eh, ano ba 'yan!"

"Really excited for these interviews. Can't wait to hear what each candidate has to say about issues surrounding them. Ang funny lang na kay VP Leni pinakamatinding issue na talaga ata yung lugaw. Iba kasi pag malinis."

"Buti pa ang Lugaw may itlog #MarcosDuwag #MarcosMagnanakaw."

"Hindi lang 'Buti pa ang lugaw may itlog', mas masarap ang lugaw lalo na kung may laman (a.k.a. substance). Yung isa, naturingang may itlog, nabugok naman."

"'Buti pa yung lugaw, may itlog' is such a mood."

Samantala, naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang GMA Network kaugnay ng isyu.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/22/gma-network-sumagot-na-tungkol-sa-akusasyon-ng-marcos-camp-na-biased-si-jessica-soho/

Sa inilabas na pahayag ng GMA Network, ibinahagi nila na kinikilala bilang 'most trusted media personality' sa bansa si Jessica Soho.

"Throughout her career, Ms. Soho has consistently been named the most trusted media personality in the Philippines by both local and foreign organizations, a testament to her embodying the GMA News and Public Affairs ethos: 'Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong Totoo Lamang.'"

"This same ethos has guided Ms. Soho and the whole GMA News and Public Affairs organization, which is the most trusted media organization in the Philippines, according to the University of Oxford/Reuters Institute for the Study of Journalism," dagdag pa nito.