Nitong nakaraang linggo, naging usap-usapan sa social media ang tila parinigan ng dating magkarelasyong sina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao sa kani-kanilang mga social media, matapos maghiwalay noong 2021.

Dahil sadyang kuwela ang asawa ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico, tila may sariling entry rin ito.

Sa Instagram story ni Nico, ibinahagi niya ang larawan na hawak niya ang hanger na nakapaloob sa kanyang damit. 

"Hi, ako nga pala ang sinampay mo," aniya sa caption.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Screengrab mula sa IG/Nico Bolzico

Matatandaan na ibinahagi ni Alodia sa social media noong Huwebes, Enero 13, ang kanyang larawan na suot ang sleek golden gown, na mula sa isa sa mga character ng League of Legends’ na si Leona, para sa Arcane red-carpet event sa California, USA.

“Hi. Ako nga pala yung sinayang mo,” saad ni Alodia sa caption.

Haka-haka ng mga netizen na si Wilang pinariringgan nito.

Kinabukasan, Enero 14, nag-post naman si Wilna tila sagot sa "parinig" ni Alodia.

“Hi, ako nga pala yung sinaing mo,” saad sa caption ng Facebook post ni Will habang topless at nakasuot lamang ng apron, at may hawak na rice cooker na naglalaman ng sinaing na kanin.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/01/14/hi-ako-nga-pala-yung-sinayang-sinaing-mo-wil-at-alodia-nagparinigan-nga-ba/

Nagsimula ang relasyon nina Wil at Alodia noong 2018 at nagwakas ito noong Nobyembre 2021 na ikinagulat ng lahat. Hindi na nila dinetalye pa kung ano ang puno’t dulo ng kanilang hiwalayan.