Pinangalanan ng Komisyon sa Wikang Pilipino (KWP) ang mga nagsipagwagi ng Gawad Julian Cruz Balmaseda para sa taong 2022.

Mag-uuwi ng P100,000 si Jonathan V. Geronimo, PhD graduate ng De La Salle University, Manila, para sa kaniyang disertasyon na may pamagat na Pagpiglas sa Bartolina: Naratibo, Espasyo, at Bayan sa Panitik ng mga Bilanggong Politikal na Manunulat.

"Ang nasabing disertasyon ay nagtataglay ng kalidad sa kritikal na pagdalumat sa wikang Filipino upang sipatin ang politikal na penomenon ng produksiyon ng akdang piitan o prison literature at ang diskurso sa umiiral na panlipunang estruktura na nagluluwal ng mga bilanggong politikal na manunulat sa kasaysayan ng bayan," pahayag ng KWP

Ang nasabing pag-aaral ay naging mapanghamon sa larangan ng wikang Filipino at 'integrasyon ng panitikan kritika, agham-politika at araling kultural upang sipatin sa lente ng maka-Pilipinong pananaliksik ang kalagayan ng bilanggong politikal sa bansa.'

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Kasamang nagwagi ni Geronimo si Roque Augustus L. Lamadrid para sa kanyang tesis masterado sa Pamantasang Bikol na pinamagatang Preserbasyon ng Wikang Manide ng mga Katutubong Minorya ng Camarines Norte, bílang pinakamahusay na tesis sa taóng 2022 ng Gawad Julian Cruz Balmaseda.

"Ang saliksik ni Ginoong Lamadrid ay isang hakbang para sa pagpapauswag at preserbasyon ng wika at kulturang Manide para sa kaniyang Master ng Sining sa Pagtuturo ng Filipino sa Pamantasan ng Bikol," ani ng KWP.

Ayon sa KWF, ang parangal na Gawad Jualian Balmaseda ay ibinibigay para sa pinakamahuhusay na tesis at disertasyon na isinulat sa wikang Filipinp para sa larangan ng akademiko.

Matatanggap nina Geronimo at Lamadrin ang parangal na plake, medalya, at P100,000 sa darating na Enero 26 sa Bulwagang Romualdez, KWP.