Kinakiligan at kinaaliwan ng mga netizen ang kumakalat na video ni Heart Evangelista kung saan makikitang sinita siya ng mister na si Sorsogon Governor Chiz Escudero na marami na naman siyang bag sa kaniyang walk-in closet.

Sa naturang 'Instagram reel', makikitang nagsasagawa ng 'OOTD' si Heart sa harap ng camera nang biglang pumasok ang mister na nakapambahay lamang, at tinanong ang misis kung bakit ang dami na naman niyang bags.

Chiz Escudero at Heart Evangelista (Screengrab mula sa Tiktok)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Heart Evangelista (Screengrab mula sa Tiktok)

Heart Evangelista (Screengrab mula sa Tiktok)

Heart Evangelista (Screengrab mula sa Tiktok)

“Bakit ang dami na naman ng bag mo?” urirat ng mister, na hindi naman galit.

Katwiran ni Heart, inayos lang daw niya ang mga bagelya niya kaya nagmukhang marami.

“Darling, tigil-tigilan mo 'yan. Aalis ka. Bawas-bawas. Makakabili ka lang kapag nagbenta ka,” paalala naman ni Chiz.

“I’m gonna sell. I’ll get rid of the normies and I’ll upgrade…" paliwanag naman ni Mrs. Escudero.

Tila batang nahuli naman ang reaksyon at ekspresyon ng mukha ni Heart, na dumila pa sa harap ng camera.

"I am only allowed to buy another bag if I upgrade (sell old ones that don't give me that spark anymore)" nakalagay naman sa text caption ni Heart sa video.

Nag-react naman dito ang mga celebrities tulad nina Alex Gonzaga, BJ Pascual, Jolina Magdangal, at Megan Young.

“Omg!!! That conversation at the end is exactly what Mikael Daez tells me about my keyboards and I make the exact same face you do. I felt the level of panic,”pagbabahagi ni Miss World 2013 Megan Young na misis ni Kapuso actor Mikael Daez.

Handa naman si BJ Pascual na bilhin ang mga bag ni Heart nang magkomento siya ng 'mine sa mga ibinebentang bag'.

Itinuloy naman ni Heart ang OOTD at nagpaalam naman nang maayos sa lahat matapos ang video.

Kamakailan lamang ay ibinunyag ng mag-asawa na may prenup agreement sila. Malaya raw ang sinuman sa paggasta ng kani-kanilang mga pinaghirapang pera.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/18/heart-at-chiz-pabor-sa-prenup-agreement-whats-hers-is-hers-whats-mine-is-mine/

Pumayag umano si Heart sa prenup agreement dahil alam niya at aminadong magastos siya.

"It’s just you don’t want to fight na, ‘Bakit ka bumili niyan? Ganyan, ganyan. If you can still provide for your wife even if you have a prenup or if you can still help your husband even if you have a prenup, it’s still the same."

"It is the same. It’s just a formality. In your case, hindi naman ikaw ang may gusto, eh," hirit ni Chiz sa kaniyang asawa.

"Hindi naman. Kahit wala naman tayong prenup, I’ll still say the same things over and over again. So there’s no difference really. It’s for the peace of mind of the people who asked you. Kaysa mawala ka naman, eh di pirma na ako sa prenup," paliwanag pa ni Chiz.