Sinibak na sa kani-kanilang puwesto ang dalawang opisyal ngNew Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City kaugnay ng pagkakatakasng apat na preso nitongEnero 17.

“BuCor Director General Gerald Bantag ordered the relief of the Superintendent of NBP Maximum-Security Compound C/Supt. Arnold Guzman and the NBP Commander of the Guards (COG) CS/Insp. Israel Basi,” ayon sa pahayag ng BuCor.

“They were relieved of their positions and are now under the Directorate for Administration while investigation is still on-going regarding the escape incident,” ayon pa sa BuCor.

Pansamantalang itinalaga si C/Supt. Roy Villasibilang kapalit ni Guzman habang pinalitan naman ni CS/Insp. Reynaldo Tuguinay si Basi.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Nitong Enero 17, nakatakas sa nasabing maximum security compound ang apat nilang preso at natunton naman ang dalawa sa mga ito, gayunman, napatay sila ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na sagupaan.

Nakilala ang dalawang napatay na sinaArwin Bio, 35, at Pacifico Adlawan, 49.

Tinutugis pa rin ng mga awtoridad ang dalawa pa nilang kasamahan na sina Drakilou Falcon at Chris Candas Ablas, kapwa nahatulan sa kasong robbery with homicide.

Jeffrey Damicog