Kakaibang pakulo ng isang gamer ang nagpakilig sa netizens matapos mag-propose nito sa kanyang nobya sa pamamagitan ng isang online game na 'Genshin Impact.'

Pagbabahagi ni Ronica Pilar Mejica Cabansag sa kanyang Facebook post, 'extreme introvert' ang kanyang nobyo na si Javillonar.

Tuwing kaarawan nito, pinapatay nito ang kanyang phone at binubura o ina-untag ang ilang komento.

Kaya naman ikinagulat ni Cabansag nang sabihin ng kanyang nobyo na may sopresa ito sa kanya.

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

"Anyways, he told me that he has a surprise for me and I need to come to his house sa afternoon or better at night. I have the intuition something will happen but my mind won't accept it because he is not into some romantic stuff I know," ani Cabansag.

Aniya, excite siyang malaman kung mang-sopresa ang mga introvert na tao tulad ng kanyang nobyo.

Noong pagdating ni Cabansag sa bahay ni Javillonar, normal lamang ang set-up dahil maging ang magulang ng kanyang nobyo ay walang ideya sa gagawin nito.

"So I thought maybe it is not what I'm thinking. I even told my mom that my ex boyfriend has surprise daw baka lampshade Kasi gusto niya gabi ibigay," pagbabahagi ni Cabansag.

Kaya naman dumiretso na siya sa kwarto ng kanyang nobyo at laking gulat nito nang may sumilip na mga ilaw at lobo.

Dagdag pa niya, magkahalong tuwa at naiiyak siya noong oras na 'yon at natatakot pa siyang buksan ang pinto.

Aniya, bumungad sa kanyang ang larong Genshin Impact, na siya namang paborito nilang online game.

Pinaglaro siya nito at sa bawat obstacles ay nakasulat ang mga nais sabihin ng kanyang nobyo para sa kanya.

Larawan: Ronica Pilar Mejica Cabansag/FB

"Roses are Red, Violets are blue, Forever is real with you."

"Ang very creative Kasi I know ang hirap gawin non. And he even said it took him more than 1 month Kasi he needs to buy the things or supplies in the shop ng game," ani Cabansag.

Sa huli ng maz, may tanong si Javillonar para kay Cabansag.

"Will you be may waifu? (Will you be my wife?)"

Larawan: Ronica Pilar Mejica Cabansag/FB

Sinagot naman ni Cabansag ang kanyang nobyo.

Aniya, "So that's how an extreme introvert ng propose — not flashy. Not crowded. Hindi nakakapressure. Nag-plan ng solo. Nag-execute ng solo. All by himself."

"So kahit introvert pa Yan if he loves you quiet Lang sila but nakikinig he'll do anything that can make you happy if they can. I guarantee you," dagdag pa ni Cabansag.

Para sa kanyan, sobrang na-appreciate nya ang effort at paraan ng kanyang nobyo.

"So finally I'm engaged to my ex boyfriend who is now my Fiance," nakakakilig na pagbabalita ni Cabansag.

'Finally engaged.'