Patay ang isang babaeng backrider habang sugatan naman ang kanyang kasamang rider nang makasagian ng kanilang sinasakyang motorsiklo ang isang nakasabayang truck sa Malate, Manila nitong Linggo.

Dead on arrival sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Jennifer Bulong, 45, at residente ng 43 Sta. Maria St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City habang sugatan naman at nilalapatan pa ng lunas ang rider na si Nonie Luig, residente rin ng naturang lugar.

Samantala, arestado at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide with physical injury and damage to property sa piskalya ang suspek na si Randy Villadarez.

Batay sa ulat ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), dakong alas-11:50 ng umaga nang maganap ang aksidente sa southbound lane ng Taft Avenue, kanto ng Pedro Gil St., sa Malate.

Eleksyon

Teddy Casiño, nakasama sina Heidi Mendoza, Luke Espiritu: ‘Maybe next time’

Sa inisyal na pagsisiyasat ni PCpl Ron Henry Gemzon, nabatid na bago ang aksidente ay sakay ang mga biktima ng isang motorsiklo na may MV File Number 1801-0281332 at binabagtas ang southbound lane ng Tafe Avenue, kasabay ang truck na minamaneho naman ni Villadarez.

Gayunman, pagsapit sa kanto ng Pedro Gil St., ay bigla na lang umanong nagkasagian ang dalawang sasakyan, sanhi upang tumilapon ang mga biktima sa sementadong kalsada na nagresulta sa kanilang matinding pagkasugat.

Mabilis namang nakaresponde ang rescue team at dinala ang mga ito sa pagamutan ngunit binawian rin ng buhay si Bulong. 

Mary Ann Santiago