Mahigit 50 indibidwal ang dinakip sa Quezon City at Caloocan City sa pagpapatupad ng Inter Agency Council for Traffic (I-ACT) ng patakarang “no vaccination, no ride” ng Department of Transportation (DOTr) nitong Lunes, Enero 17.

Pagpatak pa lang ng alas-12 ng tanghali nitong Lunes, nahuli na ng mga opisyal ng I-ACT ang humigit-kumulang 50 pasahero sa mga bus at taxi sa Commonwealth Avenue at 67 pasahero sa Quezon Avenue, ayon sa DZBB Super Radyo.

Dalawampu't tatlong PUV sa Commonwealth Avenue at Quezon Avenue ang napag-alamang hindi sumusunod sa patakaran.

Makikita ang mga miyembro ng I-ACT at Quezon City Task Force Disiplina (QC TFD) na nag-inspeksyon sa mga pasahero at sa mga vaccination card at valid ID ng mga driver ng Public Utility Vehicle (PUV), gayundin ang pag-check kung ang 70 porsiyentong kapasidad sa PUVs ay sinusunod.

National

Taga-Maynila, winner ng ₱107.8M sa Lotto 6/42

Ayon sa GMA News, limang pasahero ng bus na hindi pa bakunado ang nahuli ng mga miyembro ng QC TFD dakong alas-7 ng umaga sa Commonwealth Avenue.

Hiniling din sa mga siklista sa Commonwealth Avenue na ipakita ang kanilang mga vaccination card at valid ID. Ang mga siklistang hindi bakunado ay dinala ng TFD sa kanilang mga outpost.

Sa Monumento sa Caloocan City, si Victor Alcantara, isang jeepney driver, ay pinabalik ng mga miyembro ng I-ACT sa terminal ng jeep partially vaccinated lang ito.

Hiniling din na bumaba sa sasakyan ang isang partially vaccinated na pasahero sa loob ng isang dyip.

Ngayong linggo, ang hindi pa nabakunahan na mga indibidwal na mahuhuling lumalabag sa patakaran ay makakatanggap lamang ng verbal warning sa halip na mabigyan ng tiket, ayon sa Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) National Capital Region (NCR) Lt. Col. Joel Mendoza.

Nakasaad sa Department Order No. 2022-001 o ang “no vaccination, no ride” policy ng Department of Transportation (DOTr) na ang mga hindi bakunado o hindi ganap na nabakunahan ay pinagbabawalan sa akses nito ng mga public utility vehicle (PUV) hangga't ang Metro Manila ay sa ilalim ng Alert Level 3 o mas mataas.

Sa ilalim ng utos, ang hindi bakunadong mga indibidwal na may mga kondisyong medikal ay hindi kasama sa patakaran, sa kondisyon na dapat sila’y magpakita ng isang medical certificate na may rekomendasyon para sa hindi pagbabakuna ng kanilang doktor.

Sa pagbili ng mga mahahalagang produkto at pag-akses ng mga mahahalagang serbisyo, ang mga hindi bakunadong indibidwal ay dapat kumuha ng isang health pass mula sa kani-kanilang mga barangay upang makabiyahe.

Ang Alert Level 3 status sa Metro Manila ay pinalawig hanggang Enero 31 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Khriscielle Yalao