Nakatakas ang tatlong bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa nitong Lunes ng madaling araw, Enero 17, na ikinasugat ng tatlong correction officer at isa pang bilanggo.

Kinilala ng Muntinlupa police ang mga nakatakas na sina Pacifico Adlawan, 49, na nagsisilbi sa kanyang sentensya dahil sa frustrated homicide at paggamit ng droga; Arwin Bio, 35, na hinatulan ng tangkang pagpatay; at Drakilou Falcon, 34, na nasentensyahan sa kasong robbery with homicide at possession of firearms.

The three NBP prisoners who on Jan. 17 (BuCor / Muntinlupa police / via MB)

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Ayon sa mga pulis, nakatakas ang tatlo sa maximum security compound ng NBP bandang ala-1 ng madaling araw nitong Enero 17 sa pamamagitan ng paglalagari ng mga grills ng bintana ng kanilang dormitory cell.

Nagsasagawa ng inspeksyon ang mga tagabantay ng NBP East Building nang makarinig sila ng ilang putok ng baril mula sa loob ng dormitoryo. Napag-alaman nila na nakatakas ang tatlong preso.

Ang apat na sugatan ay mga correction officer na sina Angelito Marquez, 57; Mark Joseph Pesons, 29; at Jancy Dagonas, 26; at bilanggong si Michael Dullavin. Dinala sila sa Ospital ng Muntinlupa upang maipagamot.

Nagbabala ang BuCor sa pagtakas ng tatlong PDL at hinimok ang publiko na kung sakaling makita nila ang mga tumakas ay tumawag lamang sa hotline number 09178049362 at 09186001081 o i-report sa pinakamalapit na police station.

Jonathan Hicap