Nanguna si Caloocan City District 1 Representative Dale "Along" Malapitan sa mayoralty race survey para sa 2022 elections na isinagawa ng Actual and Comprehensive Evaluators, Inc.

Isinagawa ang naturang survey noong Disyembre 2021 na kung saan may 5,164 na residente ang sumagot. 

Ipinakita sa resulta na nakakuha si Malapitan ng 65% laban kay District 2 Rep. Edgar "Egay" Erice na may 32%.

Para naman sa vice-mayor position, nakakuha ng 60% ang running mate ni Malapitan na si Coun. Karina Teh habang 32% naman ang kalaban na si Coun. PJ Malonzo.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Samantala, congressman position para sa bagong tatag na District 3 nakakuha ng 63% si Coun. Dean Asistio laban sa dating mayor na si  Recom Echiverri na may 33%.

Aaron Dioquino