Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City nitong Sabado, Enero 15, na magbibigay ng libreng sakay ang electric minibuses para sa mga residente ng lungsod hanggang Enero 31.

Unang inilunsad ang "COMET" shuttles o fully-airconditioned electric vehicles na mayroong charging stations noong Disyembre 2021. 

Ayon sa pamahalaang lungsod, maaaring makakuha ng libreng sakay ang mga commuters sa pamamagitan ng pag-download ng Global Electric Transport (GET) PASS App sa App Store o Play Store, at pagsali sa Triple K Organization.

Ang mga sumusunod ay ang COMET shuttle stations:

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

• Puregold Malanday

• Puregold Dalandanan

• Valenzuela City Hall

• SM City Valenzuela

• SM North Edsa

• Gateway Mall

• Robinsons Galleria/ Eton Cyberpod

• Ayala Malls The 30th

Mahigpit pa ring ipinapatupad ng pamahalaang lungsod ang "NO GETPASS, No ride" policy sa lahat ng COMET pick-up points.