Isa sa pinakamasakit na yugto ng pagiging isang pet parent ang pamamaalam sa mga alagang itinuring na pamilya. Kaya naman isang makataong pamamaraan ang hatid ng “Pet to Nature” upang  masigurong hanggang sa kanilang huling sandali sa mundo, mananatili silang isang buhay na alaala.

Isang kakaibang memorial service para sa mga alagang hayop ang hatid ng Pet to Nature. Sa halip kasi na gamitan ng nakapipinsalang mga likido o gas ang labi ng namapayapang alaga para sa kanilang cremation, isang alternatibong proseso ang kanilang ginagamit – ang aquamation.

Larawan mula Pet to Nature via Facebook

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

Larawan mula Pet to Nature via Facebook

Larawan mula Pet to Nature via Facebook

Larawan mula Pet to Nature via Facebook

Ayon sa isang science-based website na “Bio-Response Solutions,” ang aquamation ay isang eco-friendly na alternatibo sa kadalasang flame cremation. Sa halip na apoy, ang proseso ay ginagamitan ng tubig upang natural na bumalik sa kalikasan ang isang labi.

Napapanatili pa rin ng aquamation o alkaline hydrolysis maging ang buto ng isang labi, kabilang na ang ngipin halimbawa ng namayapang alagang hayop.

Larawan mula Pet to Nature via Facebook

Larawan mula Pet to Nature via Facebook

Dahil sa proseso, ang nutrients sa katawan ng alagang hayop ay napananatili dahilan para maging epektibong fertilizer ang abo nito para sa isang umuusbong na halaman. Maliban sa mas makatao ang proseso, napananatiling buhay ang alaala ng namayapang hayop sa binuhay nitong halaman.

Larawan mula Pet to Nature via Facebook

Naitatag ang Pet to Nature dahil din sa isang pet parent na si Matthew Ng na dinamdam ang pamamalaam ng kaniyang alagang aso na si Bobby. Unang nakilala sa bansang Hong Kong, ang Pet to Nature ay mayroon na ring mga serbisyo sa Pilipinas.

Iba't ibang labi ng alagang hayop ang tinatanggap nito kabilang ang aso, pusa, hamsters, bukod sa iba pa.