Sa gitna ng dumaraming healthcare worker na nahawahan ng sakit na coronavirus (COVID-19), sinimulan ng pambansang pamahalaan ang pag-deploy ng mga tauhan mula sa security sector upang dagdagan ang mga manggagawa sa mga ospital.

Tiniyak ni Secretary Carlito Galvez Jr., vaccine czar at chief implementer ng National Task Force (NTF) Against COVID-19, na “ginagawa ng gobyerno ang mga kinakailangang hakbang” upang matugunan ang dumaraming bilang ng mga healthcare worker na nagkakasakit.

Bahagi ng kanilang istratehiya ang paglalagay ng mga tauhan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Philippine Coast Guard (PCG) – partikular ang mga may background na medikal – upang ipagpatuloy ang mga operasyon ng iba't ibang pasilidad sa pangangalagang pangkalusugan sa gitna ng pagdami ng mga kaso.

“We mobilize the armed forces, PNP, BJMP, and our Coast Guard to reinforce hospitals that lack healthcare workers,” sabi ni Galvez.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Ang AFP, PNP, BJMP, at PCG ay may sariling pangkat ng mga medical professional na maaaring magdagdag sa hanay ng mga manggagawa ng mga ospital na kapos sa lakas-tao, aniya.

Hindi malinaw kung gaano karaming mga tauhan ang kasalukuyang naka-deploy sa iba't ibang pasilidad ng medikal sa buong bansa para sa misyong ito.

Ayon sa Department of Health (DOH), nasa 6,600 health workers sa Metro Manila, o 7.2 percent ng mga tauhan ng rehiyon, ang nasa ilalim ng quarantine nitong Huwebes.

“This is really a big challenge because even our health workers are getting sick,” pag-amin ni Galvez.

Gayunpaman, sinabi niya na wala pang dahilan para maalarma dahil ang gobyerno ay patuloy na naghahanap ng mga paraan upang matugunan ang kakulangan ng workforce sa mga ospital at iba pang medical facilities

“Do not panic. The IATF [Inter-Agency Task Force], mayors, and hospital directors are doing everything that they can to ensure the continuity of our healthcare treatment,” sabi ni Galvez.

Martin Sadongdong