Nagdeklara na rin si Pasig City Mayor Vico Sotto ng suspensyon ng klase sa lungsod nitong Sabado ng hapon.

Ayon kay Sotto, walang pasok sa mga pampublikong paaralan mula daycare hanggang senior high school (SHS) mula Enero 15 hanggang 22, 2022.

“#WalangPasok – for public schools, Daycare to SHS Jan. 15 to 22, 2022. (Sinama na po natin ang daycare),” anunsiyo ng alkalde sa kanyang social media accounts.

Ang mga pribadong paaralan naman ay binibigyan ng sariling diskresyon sa pagsuspinde ng kani-kanilang klase.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Private schools are given the discretion, but are encouraged to review their situation and relax attendance/ deadlines as may be necessary,” aniya pa.

Mary Ann Santiago